Pretentious

Isay. 18. Isip bata, gutom, antukin. MABAIT pero palaaway. Tabal sa lahat ng bagay.

6 am, ginising ako ni Mama. Idadaan pa kasi namin sila Nanay sa Bacungan. Umuwi na kasi sila.

Mmmm, ayun, pinatugtog kami. Yung sa Sweet Child, nagkamali pa ko nung intro. WAH. Pero di naman halata. HAHAHA. Tapos nagswimming kami nung hapon na. Grabe lang kasaya. Naglaro kami ng tag-tag-an. Haha. Shet. Tatlo kaming matatanda dun kasali pa kami. Tapos nung ako na yung naging bude(shet, ano ba, budi o bude?), hirap akong maka-tag. Lahat kasi sila nagpupunta sa malalim. Eh di man ako marunong lumangoy. Haha. Nung nagtesting ako, marunong pala ako. Pero pag-ahon ko, nakakainom naman ako ng tubig. Badtrip lang.

Ayun, umuwi kami mga 5 na. Ang aga nga eh, kainis. :( Bitin.

  • Boy: Ilaw ka ba?
  • Girl: Bakit?
  • Boy: Mausok kasi dito.
  • Girl: *pokerfaced*
  • Boy: Walang connection di ba?
  • Girl: Wala. :|
  • Boy: Pero sana tayo meron. :">

Last time I checked my height, 5’5 na ako. WAT?! Eh last year lang, 5’3 lang ako ah. O baka sa sapatos ko lang yun at niloko lang ako. Ewan. Gusto ko tumangkad ng onti. Pero ayos na rin ako sa height ko ngayon. Kaya lang, inaaway ako ng mga tao sa paligid ko, kuba kuba daw kasi ako. Eeeh, bakit ba? 

Hahaha. K. T-try ko lang naman eh. Saka, malay mo mag-work diba? Nagpalit ako ng wallpaper sa isa kong phone. Kaso, lagi ko syang i-o-off. BAKA MAY MAKAKITA.

Ang gwapo pa naman ng WP ko. HAHAHA.

Okay. Bubuksan ko lang sya pag gabi saka pag nasa trabaho. LOLOLOL.

Kung kayo may Jude Sinahon, ako may Elyar Fox. :P

Oh, hi baby. :D

Isa akong dakilang first timer sa 3D na pelikula. Na-igno nga ako eh. Astig sana, kaso, sumakit naman ulo ko. Ewan ba, sana yung normal na movie na lang pinanuod ko, edi sana okay pa ulo ko. Grabe. Haha.

Ayun, kasama ko kapatid ko pati si JP, yung anak ng ka-opisina ni Mama. Magfi-first year HS pa lang yun sya, pero lakwatsero na. Grabeng bata yun. Lakas pa magmura. Nahiya lang ako.

Anyways, nanood nga kami. Tatlo lang kami. Nung malapit nang matapos yung movie, biglang namatay yung palabas. Tapos parang, natahimik yung mga tao. Wala namang nag-boo or ano or nareklamo. After ilang minutes, bumalik din yung ilaw tapos namatay agad. Tapos bumalik din.

Ayun, pagod na pagod ako. Bukas na yung recital namin. HURRR! Kinakabahan ako! Shet.

Di na ata ako sanay na umaabot ng ganitong oras. Parang pagod na pagod ang katawan ko. Ah. Ayoko na. Matutulog na ako. Good night. Ingat. Bukas na lang ulit. Nawiwili na naman ako sa binabasa ko. WAH. 

Yung totoo, pangalawang araw na kong palakad-lakad sa Robinson. INUNA KO ULIT YUN KESA MAG-ENROLL. HUHUHUHU. Ang tamad tamad ko forever. Pero yun nga, kasama ko kapatid ko habang naglilibot ng Rob. Grabe, ilang beses kaming labas-masok sa mall. Parang ewan lang. Feeling ko nga namumukhaan na kami ng guard. HAHA! Mga 5 times na ata kaming labas-pasok dun ngayong araw.

Atttt, nalipat ng Sunday yung recital namin. Sa pool gagawin, sa Rocky Mountain Resort. Hantaray lang diba. Maaga daw kami magpunta dun para makaligo pa pagtapos. BWAHAHA.

Grand opening kanina ng Robinson’s dito sa Palawan. At dahil first time na magkaroon ng ganitong mall dito sa lugar namin, over. Dagsa lang yung mga tao eh. Tapos may artista pa, ano na lang diba?

Pumasok kami ni Innah sa side entrance ng Rob, tapos nag-fangirl kami bigla kasi may National Book Store. WAAAH! Sobrang saya, namatay talaga ako dun sa loob. Hahaha! Ako pa? Eh ang adik ko kaya sa mga libro. Basta grabe, parang ang sarap tumira dun sa loob, ang daming mga libro. Huhu. Naiiyak talaga ako. Chos.

Tapos, ang dami na agad tao sa paligid nung stage kung san magpeperform ang mga artista, sila Solenn at Dingdong. Bale, nag-ikot-ikot muna kami ni Innah sa mall tapos nakipagsiksikan kami dun sa may gilid para makanuod. HAHAHA.

Anyways, unang dumating si Dingdong. Grabe, ang gwapo. Haha. Kung ano yung itsura nya sa TV ganun din chura nya sa personal. Duh. Tapos dumating si Solenn. WAAAH! Ang ganda ganda nya! OMG. Huhuhu. Nakakaiyak ang kagandahan nya, sobra. Eh fans kami ni Mami, kaya yun. Grabe lang.

Kahit na malayo pwesto nila, super picture kami sa kanila. Minsan lang yun eh. Bakit ba. Hahaha. Naunang kumanta si Solenn. HUHUHU. Sya na talaga. Grabe ka-chix.

Tapos kumanta si Dingdong ng ‘Hinahanap-Hanap Kita.’ Nung palapit sya sa min, yung katabi namin ni mami, tawag sa kanya, Benjie. Wow, My Beloved lang pala?

At, marami pang pictures kaso di ako maka-upload kasi masarap na talaga pasabugin yung net namin now na. Good night!

  • matangdilat: Divine Light Academy Las Pinas.
  • wondergilou: Polytechnic university of the Philippines.
  • mikanggutom: Valenzuela Science Highschool
  • JonelNel: AlphaCrest Academy Inc.
  • extrasicharlotte: Ateneo De Naga University High School.
  • asdfghjecstone: Ateneo de Naga University High School
  • matinongmakulit : Ateneo de Naga University High School
  • isaypalaaway: Palawan State University